Wednesday, November 2, 2011

kahit huli man... happy holloween!!

amputa! wahahaha!!! :) me as pokpok na namatay dahil nasobrahan sa skull-fuck. hahaha! :)

pero parang Desperate Housewives Horror Edition lang. CHOS!
may costume ang lahat at ako lang ang wala, kaya eto nangyari. t-shirt ko lang yan at loose na sleeveless  :)

sana na-enjoy nyo ang vay-kay nyo! ako walang ganun sa mundo ko! waaaaahhhhhh....

Saturday, October 22, 2011

naaabuso

NAAABUSO. pakiramdam ko ngayon ako'y naaabuso.

isa ito sa mga natutunan kong akapin nung ako'y nasa grade school palang. bilang isang taong nabu-bully ng slight ng mga panahong iyon (more on verbal) ay naghahanap ako ng pagmamahal at mga tao na masasabi kong papansinin ako at kakausapin ako kapag may gusto akong malaman o sabihan ng mga bagay bagay. oo, may mga kaibigan ako, ngunit onti lang, at weird ako ng mga panahong iyon.. feeling ko may pagka autistic ako socially ng slight, ng may bahagyang case of ADHD. take note sa mga kakilala kong nagbabasa nito, GRADE SCHOOL po ito.

oo, minsan naghahanap ako ng atensyon. at minsan e tumatahimik lang ako at tumitingin sa labas ng bintana, na kasabay ng totoong pagkalungkot at pagiisip kung kelan ba darating ang PRINCE CHARMING ko e sabay emote pa ng halatang halata ang pagkalungkot sa aking mukha (panawag atensyon) na kulang nalang e patakan siguro ng eyemo para kumpleto... or so i think. basta. dati e pag nage-emote ako na malungkot ako e kasabay ng pagkalungkot ko e natutuwa naman ako sa pag-emote ko. weird? feeling artista siguro. dapat ata e nag-ACTING SCHOOL nalang ako. haha

kung ilang years lang nauso ang pagiging emo, ako EMO na dati pa.

yes, hindi nga normal.

at pakiramdam ko e dahil dito e may slight split personality na ako kaya hindi kumpleto ang ala-ala ko about my grade school life. siguro naghati silang dalawa sa mga memories ko nung grade school.

okay lumalayo na tayo... balik sa kwento:

dahil nga sa ako'y naghahanap ng ATENSYON e natutunan kong magprisinta na bumili ng pagkain sa canteen para hindi na sila mahirapan sa pagpunta sa canteen... particularly to one gay person din na kaibigan ko pa din hanggang ngayon. natutunan ko din na magpautang ng halaga na medyo malaki na sa panahong iyon, na hindi din naman nababayaran at either nakakalimutan ko nalang or makikiusap na libre nalang, na ako naman e pumapayag lang. sa ganitong paraan e naging kaibigan ko na din sila.

ngunit syempre you can't please everyone, so andyan pa din ang mga bully. or PARANOID lang ako para isipin na bully sila, na baka nagjo-joke lang pala sila e ako dahil laking pikon ako e pakiramdam ko e bully na agad. hay hirap ng wala maalala gaano.

dumating ang high school at college, at nagkataon na biglang nawala ito. walang umuutang. nagkaroon ako ng mga kaibigan. at nagka-reespect din naman kahit papaano dahil sa pagiging officer ko sa CAT. (although may isa pa din na di ko makalimutang bumunggo pa sa akin at pinagbintangan pa ako. hay.) at dito din nagkaroon ng mga tunay na kaibigan.. (uuuuuuyyyyyyy yyyyiiiiiii)

pero pagdating ng unang trabaho, ayan na. nagsimula na uli.

masarap magka-pera at masarap sa pakiramdam na MAGPAUTANG sa nangangailangan. ngunit ang magpautang ng magpa-utang ng walang katapusan, at hindi agad bumalik sa iyo ay isang impyerno. slight impyerno na may konting kembot. kasi naman, imbes na bumili ka ng pamalit sa sapatos mo, or makabili ng t-shirt o bagong bag e mapupunta pa sa iba.

ayoko na magkuwento tungkol sa kanila, ngunit 'di ko maiwasan na maibahagi dito ang dahilan ng aking di agad pagtulog ngayon (at 5 hours nalang e trabaho ko na, wala pa tulog)

ngayon ko lang naranasan ang ganito. ako ang tao na kahit sobrang bastos ng bibig, bastos mag-joke or madami nasasabi sa sex sex na yan e nagpapaka-MARIO CLARO (oo letter O, may ti** pa din ako. haha!) pa din ako at suot lagi ang invisible na belo na binilin ni mommy na dalhin lagi, at hawak ang invisible na abaniko panakip ng bibig ko tuwing makakasambit ako ng mga salitang tite, puke o kung anu pang bastos na kuwento. chos!

pero ngayon ko lang na-experience na "magbayad" para lang sa onting panahon sa loob ng kuwartong madami  ng gumamit sa loob ng isang araw.

teka teka teka. hindi ito callboy. pero parang ganun na din.

ESTUDYANTE s'ya. bata, pero hindi minor de edad. nakilala ko sa isang inuman with a few friends. maputi. mas matangkad ako pero wala akong pakialam sa height. maganda ang mga linya sa mukha at maamo tingnan. maloko s'ya based sa kwento ng mga nakasama namin.


hindi s'ya callboy, pero parang ganun na din. naglabas ako ng pera. sa tuwing magkikita kami e ang nagagastos ko'y siguro pambili na ng 2-3 malaking pizza sa isang kilalang mamahaling pizza chain. at hindi dadaan ang linggo na hindi bababa ng 50 pesos ang mailalabas para lang padalhan s'ya ng load, na hindi naman kanya ang phone na gamit at ankiki-insert lang sa kapatid (daw).

oo, it's against my VALUES. i VOWED not to pay (or something to that effect) anyone for sex or AFFECTION. i was able to get it before, without paying anyone.

pero ngayon... siguro napagod lang ako. napagod sa paghihintay. sa mga panahon na nandyan sya't handa ibigay ang kind of affection na inasam ko ng matagal na e hindi ako handa. wala na akong NINGNING. hindi na ako tulad ng dati. ako'y lumaki na sa iba't ibang bahagi ng aking katawan, at ang mukha ko'y nagka-uka na.

mahina na ang aking depensa ng dahil sa pagkaka-single ng sobrang tagal na e parang nakalimutan ko na ang kung paano ba dapat ako kumilos at sige't kinuha ko nalang. ako'y matagal ng nasa DISYERTO, na nabuhay lang ng onti lang ang naiinom na tubig. heto't may dumating na at nag-alok ng balde baldeng nito sa pinagkasunduang halaga.

MAHINA na ako. umoo na ako. pumayag. wala na. kumupas na ang belo na binigay ng aking ina't nagkabutas-butas na, at ang mahiwagang abaniko na tumatakip sa aking bibig ay ilang beses nang natabig ng madaming mga taong nakasalamuha ko at nabitawan ko na ito't nawala na.

i was VULNERABLE during those times, to the point na onting affection na mabigay sa akin ay kukunin ko ito't nanamnamin. magtitiyaga. makukuntento.

pero AYOKO ng ganito.

nadala ako sa mga simpleng bagay na ngayon ko lang narinig, ngunit dahil sa ngayon lang uli may nagdantay ng kanyang kamay sa aking hita, pinipigilan ang aking pagkuyakoy, ningingitian ako, at dahil nadin kay Red (red horse) e gumuho na ng tuluyan ang naiwang mga dingding sa aking majestic fortress. tila bigla nalang sumulpot ang susi ng aking CHASTITY BELT out of nowhere.

"kung yayayain kita sa motel para magpahinga, sasama kaba?"

syempre sino ba naman ang magpapahinga lang sa motel? at sa pagkakasabi n'ya e parang hmmm libre n'ya ito. why not?

only to find out na hindi: ako na din nagbayad ng taxi, nagbayad ng kuwarto, nagbayad ng extension sa oras, at nagbayad ng inorder na alak.

sabagay estudyante nga s'ya. hayyy.

at hindi lang din yun. nabagsak ko pa ang cellphone na gamit n'ya nung panahong mga iyon kaya nadagdagan pa ang gastos ko. resulta? nag-withdraw pa uli ako para magbigay ng pera para naman di na magalit yung pinaghiraman n'ya kung bakit nagka-crack ang screen nito.

e 'di gapang mode na ako nun. not exactly gapang, kasi ang groceries e parents ko na ang may sagot. in short, during my weekday offs e nagkulong nalang ako sa bahay at naglaro ng ps2, at sa weekends na hindi ko naman off, pag may nagyaya e palusot ko nalang e may lakad, aasikasuhin, trabaho, etc. etc.

at di ko muna s'ya kinita.

at dumating na ang sweldo.. at tapos nun ay nagbayad na ako ng utang sa isa, at may umutang naman na iba. pero nagbabayad ito on time at ibang araw lang dadating ang sahod at kilala ko so bigay naman ako. at after ilang days pagkatapos ng cut-off e dumating uli ang pagkikita namin.

waldas nanaman. gumastos na ako ng katumbas ng 3 malaking pizza para sa kanya e eto nanaman at humihingi uli. at pagkatapos ng pagbigay ko nito e naku gagapang nanaman ako.

sa totoo lang e wala na ako pera. akala ko e gagapang na uli ako pero buti nalang biglang may nagbayad ng utang (na nakalimutan ko na, salamat nalang at sinabi n'ya na magbabayad s'ya bigla. good timing talaga.) at 2 pa na magbibigay din ng bayad sa utang nila this weekend.

kung wala ang kanilang bayad e malamang super gapang na ako hanggang next sweldo. siguro nga ang pagpapautang kahit papaano ay may benefit na din, if you lend it to the right people. parang nagpatago ka lang din ng pera :) haha....

basta ako, ayoko na. ayoko nang maabuso. it ends here...

and regarding sa pagiging sugardaddy/mommy/brad/sis/baby/whatever e it's gonna stop NOW. this happened just this ONCE, and this would be THE LAST.

ay teka... unless si Rafael Rossel, Jake, Gerald, Akihiro o si Aljur e sige go pa din ako! magnanakaw ako sa bank every week para lang mapantayan ang sweldo nila! haha CHOS

:)

Saturday, June 18, 2011

in sickness and in health... i'll be back!

potakte 'tong sakit na to!! napaka-pakshet n'ya! sa tagal kong hindi nagkasakit e ngayon pa uli?!?? (well yung sick leave kong excuse dati e gawa-gawa lang yun. hahaha) tanga ka!! kung kelan pa may lakad ako dabat kaninang lunch time, dinner, at party night time??!?

argh!!! putang ina mo mukha mo! leave me alone!!! taena tumae ka na shet na malagkit kang putang ina mong bakla ka! raaaawwwrgggh!!!!

chos!

anyway lagnat lang ito at ubo... pero bakit ako nagmumura ng bonggang bongga?

pucha naman kasi e, may pupuntahan akong 2 lakad na dati pa na plan... lunch time: lunch with my 3 closest friends sa dati kong work, namely "the bitches". tapos, late night (actually ngayong oras na ito, saktong ito a) e dapat nasa malate ako with a gay friend and 2 female friends. argh!!!

taeng malagkit talaga! raawwrrghh!

(hay okay. okay na ako. relax. relax lang...)

anyway... bakit ako tumigil muna dito sa blog ko?

kasi wala na akong pera. haha naubos na ang kayamanan sa baul ni lola. (di naman exactly naubos. limited lang ang pera...)

nag-resign  pala ako sa work nung february. bakit? kasi para mabantayan yung dad ko.. di n'yo ba napansin na yung mga huli kong posts e puro healthy-healthy-han na? steamed ganito, steamed ganun, pinakuluan etc... kasi naman e kailangang low sodium low fat diet ang dad ko... (okay hindi ko nga pala na-post lahat.)

nung una di s'ya makaihi ng maayos. tapos nung nakaihi na e biglang hindi naman makatae ng maayos. so nung pinacheck up na s'ya e nalamang may malaking bukol na pala sa tyan ang dad ko, tapos enlargment pa ng prostate.... pero ngayon okay na s'ya. nakakalakad na s'ya at nakakasama na namin mag-simba at mag-mall...

yung tumor sa t'yan n'ya? nawala na. sabi ng parents ko dahil daw sa faith healer na kakilala ng uncle ko. nung una di ako makapaniwala pero lumiit s'ya hanggang sa nawala. akala ko dati dahil lang sa gamot pero nitong huli lang e natanong ko about it tapos yun ang sabi ng dad ko. kahit yung doctor 'di makapaniwala. (hmmm baka pinagti-trip-an lang ako ng parents ko haha) pero yung enlargement ng prostate e andun pa. yun yung kelangan operahin.

"so bakit ka nag-resign kung may sakit pala dad mo't kailangan operahan?" kasi kelangan na mabantayan s'ya. yung time na yun sobrang hina ng dad ko. ang trabaho ng mom ko umaga't hapon. ako gabi't madaling araw. kung ako magbabantay tapos magwo-work pa e baka mamatay na ako sa stress.. tapos sa trabaho e stressed na talaga ako. and kung saming dalawa lang ng mom ko e ako ang pwedeng mag-resign agad agad. mom ko hindi pwede umalis agad-agad. so i decided na time na din para mag-resign ako. plus malaki ang backpay, so perfect din na pandagdag sa pagpapa-opera ng dad ko...

yung mom ko nga e gusto ng maoperahan ang dad ko pero hindi pa pwede. kailangan kasi muna ma-stabilize yung heart condition ng dad ko... sa ngayon e okay okay na s'ya...


di bale, july magkakawork na uli ako, so makakaluto na uli ako ng kung anu ano :) and hopefully by that time e pupwede na operahan dad ko... :)

ang gusto kong gawin sa susunod: pelmeni. parang ravioli, pero russian russian-an. i just saw it sa isang game (na cooking/resto kyeme) at hinanap ko sa internet. and i liked it, kaya yun isa sa mga next project ko...

and i like noodles din so maybe i'll try wasabi noodles din :)

i'll be back next month na muna.... see you then! :)

and happy fathers' day  everyone!! dad alam kong hindi ako malambing talaga, pero isang utos mo lang sa pagkuha ng tubig at pagkain, at halu-halo e alam mo namang ginagawa ko :) di lang ako showy... happy father's day! :)

Saturday, May 7, 2011

drunk blabbing #01

nung college pa ako... wala pang iniisip na problema.

parang ang sarap balikan ang mga panahon na bata ka pa....

kung saan lahat ng gusto mo ay nakukuha lang sa pag-iyak at pag-dadabog....

ngayon malaki na tayo e puno na ng kumplikasyon... ang lahat ay pinaghihirapan... usually ang lahat ay hindi umaayon sa iyo lagi... most of the time e yung mga ayaw mo pa mangyari e yun pa ang dumadating sa'yo

siguro ganun lang talaga ang buhay... puro randomness... minsan di mo pa nalalasap kung ano meron ka e yun pala bukas e wala na ito.

siguro, kung ang lahat e nakukuha lang sa ganun e siguro mayaman na ako't lahat ay nasa akin na...

bakit? kasi magaling ako umiyak at magdabog...

madaliang pagluto

kumpletong meal in 25 minutes? pwede!

i arrived home 6:30 pm bitbit ang mga pinamili sa palengke... at gutom na ang dad ko na nag-aantay... so pagsaing, pagluto ng ulam at gulay pupwede in 25 minutes? pwede!

kung di ka maarte at gusto mo ng steamed veggies, then isa sa madali't mabilis (na pwede ka pa gumawa ng ibang gawain) ay ang pag-steam. how easy? just put water dun sa boiling compartment, isalpak ang gulay sa steamer then turn it on..

plus steaming is healthy din like baking, but it's way easier. also, yung lasa nung gulay e nare-retain pa din. lasang lasa mo pa din ang totoong lasa ng gulay.

now para maka-steam ka at makaluto ng rice at the same time e kailangan 2 ang units mo. bukod sa steamer mo e meron ka pang rice cooker...

ang dalawang rice cooker. yung isa may steamer.

as for the fish, pupwedeng i-fry nalang (or grilled kung may friller kayo) pero since ang parents ko e naghe-healthy-healthy-han e ang ginagawa ko e ganito: super onting mantika lang sa non-stick frying pan. (medyo magkakauling lang ang pan so beware... may didikit pa din na unti sa pan pero at least onti lang ang oil tapos parang grilled ang effect nya...

bangus back fillet. actually dapat hiwa-hiwalay sila, pero mas madali kasi lutuin pag magkakadikit pa.

ang pinaka-gusto kong gawin sa fish e mag-rub ng pinaghalong garlic granules (mas buo sa powder) rosemary, basil at seasoned salt. (salt s'ya na pina-arte lang. may iba ibang peppers) ang mga ganitong mixtures e tinatawag na rub, kasi... literal ira-rub mo s'ya. haha :)

a closer look (di pa to luto gaano)

the veggies... 2 of my favorite vegetables.

tada!!

gusto mo ng oranges?

as for me, etong tira tira na muna kakainin ko haha :)


dapat april 6 pa ito na-post... tinamad lang guy... vay-kay mode na din. haha

btw happy mother's day! ^_^