kumpletong meal in 25 minutes? pwede!
i arrived home 6:30 pm bitbit ang mga pinamili sa palengke... at gutom na ang dad ko na nag-aantay... so pagsaing, pagluto ng ulam at gulay pupwede in 25 minutes? pwede!
kung di ka maarte at gusto mo ng steamed veggies, then isa sa madali't mabilis (na pwede ka pa gumawa ng ibang gawain) ay ang pag-steam. how easy? just put water dun sa boiling compartment, isalpak ang gulay sa steamer then turn it on..
plus steaming is healthy din like baking, but it's way easier. also, yung lasa nung gulay e nare-retain pa din. lasang lasa mo pa din ang totoong lasa ng gulay.
now para maka-steam ka at makaluto ng rice at the same time e kailangan 2 ang units mo. bukod sa steamer mo e meron ka pang rice cooker...
ang dalawang rice cooker. yung isa may steamer.
as for the fish, pupwedeng i-fry nalang (or grilled kung may friller kayo) pero since ang parents ko e naghe-healthy-healthy-han e ang ginagawa ko e ganito: super onting mantika lang sa non-stick frying pan. (medyo magkakauling lang ang pan so beware... may didikit pa din na unti sa pan pero at least onti lang ang oil tapos parang grilled ang effect nya...
bangus back fillet. actually dapat hiwa-hiwalay sila, pero mas madali kasi lutuin pag magkakadikit pa.
ang pinaka-gusto kong gawin sa fish e mag-rub ng pinaghalong garlic granules (mas buo sa powder) rosemary, basil at seasoned salt. (salt s'ya na pina-arte lang. may iba ibang peppers) ang mga ganitong mixtures e tinatawag na rub, kasi... literal ira-rub mo s'ya. haha :)
a closer look (di pa to luto gaano)
the veggies... 2 of my favorite vegetables.
tada!!
gusto mo ng oranges?
as for me, etong tira tira na muna kakainin ko haha :)
dapat april 6 pa ito na-post... tinamad lang guy... vay-kay mode na din. haha
btw happy mother's day! ^_^