NAAABUSO. pakiramdam ko ngayon ako'y naaabuso.
isa ito sa mga natutunan kong akapin nung ako'y nasa grade school palang. bilang isang taong nabu-bully ng slight ng mga panahong iyon (more on verbal) ay naghahanap ako ng pagmamahal at mga tao na masasabi kong papansinin ako at kakausapin ako kapag may gusto akong malaman o sabihan ng mga bagay bagay. oo, may mga kaibigan ako, ngunit onti lang, at weird ako ng mga panahong iyon.. feeling ko may pagka autistic ako socially ng slight, ng may bahagyang case of ADHD. take note sa mga kakilala kong nagbabasa nito, GRADE SCHOOL po ito.
oo, minsan naghahanap ako ng atensyon. at minsan e tumatahimik lang ako at tumitingin sa labas ng bintana, na kasabay ng totoong pagkalungkot at pagiisip kung kelan ba darating ang PRINCE CHARMING ko e sabay emote pa ng halatang halata ang pagkalungkot sa aking mukha (panawag atensyon) na kulang nalang e patakan siguro ng eyemo para kumpleto... or so i think. basta. dati e pag nage-emote ako na malungkot ako e kasabay ng pagkalungkot ko e natutuwa naman ako sa pag-emote ko. weird? feeling artista siguro. dapat ata e nag-ACTING SCHOOL nalang ako. haha
kung ilang years lang nauso ang pagiging emo, ako EMO na dati pa.
yes, hindi nga normal.
at pakiramdam ko e dahil dito e may slight split personality na ako kaya hindi kumpleto ang ala-ala ko about my grade school life. siguro naghati silang dalawa sa mga memories ko nung grade school.
okay lumalayo na tayo... balik sa kwento:
dahil nga sa ako'y naghahanap ng ATENSYON e natutunan kong magprisinta na bumili ng pagkain sa canteen para hindi na sila mahirapan sa pagpunta sa canteen... particularly to one gay person din na kaibigan ko pa din hanggang ngayon. natutunan ko din na magpautang ng halaga na medyo malaki na sa panahong iyon, na hindi din naman nababayaran at either nakakalimutan ko nalang or makikiusap na libre nalang, na ako naman e pumapayag lang. sa ganitong paraan e naging kaibigan ko na din sila.
ngunit syempre you can't please everyone, so andyan pa din ang mga bully. or PARANOID lang ako para isipin na bully sila, na baka nagjo-joke lang pala sila e ako dahil laking pikon ako e pakiramdam ko e bully na agad. hay hirap ng wala maalala gaano.
dumating ang high school at college, at nagkataon na biglang nawala ito. walang umuutang. nagkaroon ako ng mga kaibigan. at nagka-reespect din naman kahit papaano dahil sa pagiging officer ko sa CAT. (although may isa pa din na di ko makalimutang bumunggo pa sa akin at pinagbintangan pa ako. hay.) at dito din nagkaroon ng mga tunay na kaibigan.. (uuuuuuyyyyyyy yyyyiiiiiii)
pero pagdating ng unang trabaho, ayan na. nagsimula na uli.
masarap magka-pera at masarap sa pakiramdam na MAGPAUTANG sa nangangailangan. ngunit ang magpautang ng magpa-utang ng walang katapusan, at hindi agad bumalik sa iyo ay isang impyerno. slight impyerno na may konting kembot. kasi naman, imbes na bumili ka ng pamalit sa sapatos mo, or makabili ng t-shirt o bagong bag e mapupunta pa sa iba.
ayoko na magkuwento tungkol sa kanila, ngunit 'di ko maiwasan na maibahagi dito ang dahilan ng aking di agad pagtulog ngayon (at 5 hours nalang e trabaho ko na, wala pa tulog)
ngayon ko lang naranasan ang ganito. ako ang tao na kahit sobrang bastos ng bibig, bastos mag-joke or madami nasasabi sa sex sex na yan e nagpapaka-MARIO CLARO (oo letter O, may ti** pa din ako. haha!) pa din ako at suot lagi ang invisible na belo na binilin ni mommy na dalhin lagi, at hawak ang invisible na abaniko panakip ng bibig ko tuwing makakasambit ako ng mga salitang tite, puke o kung anu pang bastos na kuwento. chos!
pero ngayon ko lang na-experience na "magbayad" para lang sa onting panahon sa loob ng kuwartong madami ng gumamit sa loob ng isang araw.
teka teka teka. hindi ito callboy. pero parang ganun na din.
ESTUDYANTE s'ya. bata, pero hindi minor de edad. nakilala ko sa isang inuman with a few friends. maputi. mas matangkad ako pero wala akong pakialam sa height. maganda ang mga linya sa mukha at maamo tingnan. maloko s'ya based sa kwento ng mga nakasama namin.
hindi s'ya callboy, pero parang ganun na din. naglabas ako ng pera. sa tuwing magkikita kami e ang nagagastos ko'y siguro pambili na ng 2-3 malaking pizza sa isang kilalang mamahaling pizza chain. at hindi dadaan ang linggo na hindi bababa ng 50 pesos ang mailalabas para lang padalhan s'ya ng load, na hindi naman kanya ang phone na gamit at ankiki-insert lang sa kapatid (daw).
oo, it's against my VALUES. i VOWED not to pay (or something to that effect) anyone for sex or AFFECTION. i was able to get it before, without paying anyone.
pero ngayon... siguro napagod lang ako. napagod sa paghihintay. sa mga panahon na nandyan sya't handa ibigay ang kind of affection na inasam ko ng matagal na e hindi ako handa. wala na akong NINGNING. hindi na ako tulad ng dati. ako'y lumaki na sa iba't ibang bahagi ng aking katawan, at ang mukha ko'y nagka-uka na.
mahina na ang aking depensa ng dahil sa pagkaka-single ng sobrang tagal na e parang nakalimutan ko na ang kung paano ba dapat ako kumilos at sige't kinuha ko nalang. ako'y matagal ng nasa DISYERTO, na nabuhay lang ng onti lang ang naiinom na tubig. heto't may dumating na at nag-alok ng balde baldeng nito sa pinagkasunduang halaga.
MAHINA na ako. umoo na ako. pumayag. wala na. kumupas na ang belo na binigay ng aking ina't nagkabutas-butas na, at ang mahiwagang abaniko na tumatakip sa aking bibig ay ilang beses nang natabig ng madaming mga taong nakasalamuha ko at nabitawan ko na ito't nawala na.
i was VULNERABLE during those times, to the point na onting affection na mabigay sa akin ay kukunin ko ito't nanamnamin. magtitiyaga. makukuntento.
pero AYOKO ng ganito.
nadala ako sa mga simpleng bagay na ngayon ko lang narinig, ngunit dahil sa ngayon lang uli may nagdantay ng kanyang kamay sa aking hita, pinipigilan ang aking pagkuyakoy, ningingitian ako, at dahil nadin kay Red (red horse) e gumuho na ng tuluyan ang naiwang mga dingding sa aking majestic fortress. tila bigla nalang sumulpot ang susi ng aking CHASTITY BELT out of nowhere.
"kung yayayain kita sa motel para magpahinga, sasama kaba?"
syempre sino ba naman ang magpapahinga lang sa motel? at sa pagkakasabi n'ya e parang hmmm libre n'ya ito. why not?
only to find out na hindi: ako na din nagbayad ng taxi, nagbayad ng kuwarto, nagbayad ng extension sa oras, at nagbayad ng inorder na alak.
sabagay estudyante nga s'ya. hayyy.
at hindi lang din yun. nabagsak ko pa ang cellphone na gamit n'ya nung panahong mga iyon kaya nadagdagan pa ang gastos ko. resulta? nag-withdraw pa uli ako para magbigay ng pera para naman di na magalit yung pinaghiraman n'ya kung bakit nagka-crack ang screen nito.
e 'di gapang mode na ako nun. not exactly gapang, kasi ang groceries e parents ko na ang may sagot. in short, during my weekday offs e nagkulong nalang ako sa bahay at naglaro ng ps2, at sa weekends na hindi ko naman off, pag may nagyaya e palusot ko nalang e may lakad, aasikasuhin, trabaho, etc. etc.
at di ko muna s'ya kinita.
at dumating na ang sweldo.. at tapos nun ay nagbayad na ako ng utang sa isa, at may umutang naman na iba. pero nagbabayad ito on time at ibang araw lang dadating ang sahod at kilala ko so bigay naman ako. at after ilang days pagkatapos ng cut-off e dumating uli ang pagkikita namin.
waldas nanaman. gumastos na ako ng katumbas ng 3 malaking pizza para sa kanya e eto nanaman at humihingi uli. at pagkatapos ng pagbigay ko nito e naku gagapang nanaman ako.
sa totoo lang e wala na ako pera. akala ko e gagapang na uli ako pero buti nalang biglang may nagbayad ng utang (na nakalimutan ko na, salamat nalang at sinabi n'ya na magbabayad s'ya bigla. good timing talaga.) at 2 pa na magbibigay din ng bayad sa utang nila this weekend.
kung wala ang kanilang bayad e malamang super gapang na ako hanggang next sweldo. siguro nga ang pagpapautang kahit papaano ay may benefit na din, if you lend it to the right people. parang nagpatago ka lang din ng pera :) haha....
basta ako, ayoko na. ayoko nang maabuso. it ends here...
and regarding sa pagiging sugardaddy/mommy/brad/sis/baby/whatever e it's gonna stop NOW. this happened just this ONCE, and this would be THE LAST.
ay teka... unless si Rafael Rossel, Jake, Gerald, Akihiro o si Aljur e sige go pa din ako! magnanakaw ako sa bank every week para lang mapantayan ang sweldo nila! haha CHOS
:)
kitang-kita ko ang slight trace of ADHD last week. lols yung pasu-sugarsomething mo, oks lang yun. nakaka-benefit ka rin naman. hihi
ReplyDeleteyou wouldn't have known if u didn't try. charge to experience nalang. it's good na you said stop na. :)
ReplyDeleteanyway, sorry ha pero na entertain ako sa post na to. it's written in an interesting way. feeling ko nagkkwento ka lang and it hasn't been eons since we last hung out.
IMY!
@calooooooooooyy! haha kita talaga? haha thanks for dropping by...
ReplyDeleteyeah nakabenefit din pero suot ko pa din ang invisible belo ko hoping na pang-altar na ang susunod. haha chos
@nyl yeah i guess you're right.. yeah super tagal na naten di nagkasama kaya excited na ako mamaya! :)
Haha hinubad ang invisible belo at hinagis ang invisible abaniko para sa ilang oras na pag-ulayaw sa motmot! Minsan ko lang sasabihin ang mga salitang ito na this time eh totoo: I love the honesty of this post hehehe...
ReplyDeleteTama si Nyl just learn something from it and sana nga hindi na maulit kasi you're making sacrifices na...
@glentot thanks!! haha biglang sumulpot kasi out of nowhere yung susi ng chastity belt ko! haha chos!
ReplyDeleteyep that's what i did... i'm learning everyday :)
and di na mauulit! ako pa, independent ako kaya dapat independent din ang "future" ko. haha :)