i've always been looking for (and looking at) this guy. nope, hindi ko s'ya kilala personally, and we haven't really talked. he's not my friend on facebook (though he is there) and i've seen his page before on facebook... pero hindi ko ni-add. yeah wala naman siguro s'yang maiisip na malisya... ang dami na n'yang friends e sa dami ng naga-add sa kanya e siguro accept nalang s'ya ng accept.
and here i am now searching again for him on facebook but the problem is i don't know his full name. heck i don't even know his real name. baka iniba n'ya name n'ya sa facebook kaya hindi nagsho-show up ang profile n'ya. or baka naka security settings. he is, or was, a blogger. wala na ang dati n'yang blog site, and i don't know if he still blogs, kung lumipat lang ba s'ya ng address or tumigil na. tamad nga ako magbasa ng mga blog but yung kanya e binibisita ko sa tuwing ginaganahan ako magbasa.
well he is... good looking. adorable. maganda ang katawan. i like the color of his skin. mukha pang malambot at masarap hawakan ang kanyang balat. soft skin on that muscle-filled, smoking hot body. yum.
yeah i had (or have) a crush on that guy. kahit medyo may grammar errors ang kanyang blog e i still read it. and i love looking at his pics. i just sooo much love the way he looks.
yeah, i am a physical person. i mean we all are right? well i'm not saying that we are capable of liking people just for how they look like. no. but what i'm saying is we are easily attracted to people who are good looking, or gorgeous enough for us. and also, we tend to do more for people who are good looking and are attracted to.
meaning pag pinanganak kang gwapo't may itsura e parang dumadali ang buhay mo.
isipin mo nalang: kung isa kang taong mahiyain pero may itsura. well mahihiya ka ngang lumapit sa mga taong medyo type mo. let's say sa isang bar. pero pag andun ka e malamang may lalapit at lalapit sa'yo. so finding a "date" or "dance buddy" would be easier for you.
kesa naman sa taong walang itsura or hindi gwapo or good looking. mahiyain na walang dating at 'di gwapo. pag tumayo ka dun at hiyain ka pa e mas malaki ang chances na walang lalapit sa'yo, compared kay good-looking guy na kahit pareho pa kayo ng "pagka-mahiyain" level.
sana lang talaga e kaming mga mahiyain ng sobra e sana kami nalang nabiyayaan ng kagwapuhan.
"ano ba, huwag ka dapat maging mahiyain. sa mga taong tulad natin e dapat medyo aggressive tayo. dapat tayo ang lumalapit." may nagsabi. E MAHIYAIN NGA AKO E, ANO MAGAGAWA KO?
hindi sa wala akong ginagawa about it. i mean i've tried and i've been struggling not to be shy, pero it just gets me. i don't know. i'm someone who doesn't have that level of confidence to just walk up to someone and smile and talk to them...
"yun naman pala e, dapat matuto kang maging confident" E PAANO NGA??
"ano ba sa tingin mo ang nagpapababa ng confidence mo?""...how i look like.""you know what? you should learn how to love yourself. look at the positive and improve the negative."easy for you to say.
sa tingin n'yo e wala akong ginagawa? yeah siguro nga hindi enough pero still i am trying to do something about it, but (most of the time) i end up depressed about it. sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan: i try to exercise and lift some weights. meron kaming onting weights sa bahay, and may exercise vcd's. i do push-ups. pero ang problema ko e mabilis akong masaktan. kahit na ginagawa ko ito dati pa e nasasaktan pa din ako. siguro mahina ang pain threshold ko.
kahit sa pag-derma. kahit ilang beses na ako nagpapa-derma e nasasaktan pa din ako sa pricking. alam n'yo ba na kahit hindi ako humihikbi e gumigilid pa din ang luha sa 'king mga mata? tumutulo ng tuluy tuloy hanggang sa matapos ang proseso. dahil nga dito e lahat ng napupuntahan ko e nilalagyan nila ng tissue or pads yung mata ko e, para lang hindi tumulo.
i'm trying, pero NAHIHIRAPAN at NASASAKTAN ako!
"hindi lahat e based sa good looks alone. nandyan din ang ugali ng tao, blah blah blah..."oo nga. hindi ko naman sinasabing sa itsura lang umiikot ang mundo! madami pang bagay. yeah i am confident sa ibang aspeto ng buhay ko, and i think i may be interesting to some people out there. i would like to share it with someone who seems interested in me, BUT PAANO KO NAMAN IPRE-PRESENT IYON SA IBA KUNG MAHIYAIN NGA AKO? ni lumapit nga sa ibang tao hindi ko magawa. mag-add nga sa facebook e di ko magawa. makipag-usap nga e hindi ko magawa.
"...build up on confidence."PAANO NGA?
"love yourself more..."PAANO NGA?
i just hope there are classes like "How to be an Attractive Person Even Though You're Not THAT Attractive 101" or "How to Love Yourself More Than Anything Else In The World" or "How to Give a Flying Fuck on Every Damn Thing"
"may mga problem din sila, we all do.."yeah lahat may problema, lahat ng nasa mundong ibabaw. SO?
"so no one's perfect..."SO? it's not helping at all. paikot-ikot na.
"tingnan mo ako, ako nga e kahit mas mataba ako e nagagawa ko pa din lumandi..."well good for you! i'm happy for you!
i don't know why pero i think i'll only be confident enough to walk up to someone e when i think i'm good-looking enough to do it.
siguro ipagpapatuloy ko nalang ang mga ginagawa ko ngayon.
"siguro hindi ko pa time." sabi ko sa sarili ko. "sa ngayon e focus na muna ako sa sarili ko. sa career. i'll just keep on trying to improve myself for now. gawin ko na muna ang mga bagay na gusto kong gawin but at the same time improve myself. i-keme ang aking imperfections.
kahit mahirap. kahit masakit.
shet. maswerte nga talaga ang mga taong pinanganak na gwapo...