Wednesday, November 2, 2011

kahit huli man... happy holloween!!

amputa! wahahaha!!! :) me as pokpok na namatay dahil nasobrahan sa skull-fuck. hahaha! :)

pero parang Desperate Housewives Horror Edition lang. CHOS!
may costume ang lahat at ako lang ang wala, kaya eto nangyari. t-shirt ko lang yan at loose na sleeveless  :)

sana na-enjoy nyo ang vay-kay nyo! ako walang ganun sa mundo ko! waaaaahhhhhh....

Saturday, October 22, 2011

naaabuso

NAAABUSO. pakiramdam ko ngayon ako'y naaabuso.

isa ito sa mga natutunan kong akapin nung ako'y nasa grade school palang. bilang isang taong nabu-bully ng slight ng mga panahong iyon (more on verbal) ay naghahanap ako ng pagmamahal at mga tao na masasabi kong papansinin ako at kakausapin ako kapag may gusto akong malaman o sabihan ng mga bagay bagay. oo, may mga kaibigan ako, ngunit onti lang, at weird ako ng mga panahong iyon.. feeling ko may pagka autistic ako socially ng slight, ng may bahagyang case of ADHD. take note sa mga kakilala kong nagbabasa nito, GRADE SCHOOL po ito.

oo, minsan naghahanap ako ng atensyon. at minsan e tumatahimik lang ako at tumitingin sa labas ng bintana, na kasabay ng totoong pagkalungkot at pagiisip kung kelan ba darating ang PRINCE CHARMING ko e sabay emote pa ng halatang halata ang pagkalungkot sa aking mukha (panawag atensyon) na kulang nalang e patakan siguro ng eyemo para kumpleto... or so i think. basta. dati e pag nage-emote ako na malungkot ako e kasabay ng pagkalungkot ko e natutuwa naman ako sa pag-emote ko. weird? feeling artista siguro. dapat ata e nag-ACTING SCHOOL nalang ako. haha

kung ilang years lang nauso ang pagiging emo, ako EMO na dati pa.

yes, hindi nga normal.

at pakiramdam ko e dahil dito e may slight split personality na ako kaya hindi kumpleto ang ala-ala ko about my grade school life. siguro naghati silang dalawa sa mga memories ko nung grade school.

okay lumalayo na tayo... balik sa kwento:

dahil nga sa ako'y naghahanap ng ATENSYON e natutunan kong magprisinta na bumili ng pagkain sa canteen para hindi na sila mahirapan sa pagpunta sa canteen... particularly to one gay person din na kaibigan ko pa din hanggang ngayon. natutunan ko din na magpautang ng halaga na medyo malaki na sa panahong iyon, na hindi din naman nababayaran at either nakakalimutan ko nalang or makikiusap na libre nalang, na ako naman e pumapayag lang. sa ganitong paraan e naging kaibigan ko na din sila.

ngunit syempre you can't please everyone, so andyan pa din ang mga bully. or PARANOID lang ako para isipin na bully sila, na baka nagjo-joke lang pala sila e ako dahil laking pikon ako e pakiramdam ko e bully na agad. hay hirap ng wala maalala gaano.

dumating ang high school at college, at nagkataon na biglang nawala ito. walang umuutang. nagkaroon ako ng mga kaibigan. at nagka-reespect din naman kahit papaano dahil sa pagiging officer ko sa CAT. (although may isa pa din na di ko makalimutang bumunggo pa sa akin at pinagbintangan pa ako. hay.) at dito din nagkaroon ng mga tunay na kaibigan.. (uuuuuuyyyyyyy yyyyiiiiiii)

pero pagdating ng unang trabaho, ayan na. nagsimula na uli.

masarap magka-pera at masarap sa pakiramdam na MAGPAUTANG sa nangangailangan. ngunit ang magpautang ng magpa-utang ng walang katapusan, at hindi agad bumalik sa iyo ay isang impyerno. slight impyerno na may konting kembot. kasi naman, imbes na bumili ka ng pamalit sa sapatos mo, or makabili ng t-shirt o bagong bag e mapupunta pa sa iba.

ayoko na magkuwento tungkol sa kanila, ngunit 'di ko maiwasan na maibahagi dito ang dahilan ng aking di agad pagtulog ngayon (at 5 hours nalang e trabaho ko na, wala pa tulog)

ngayon ko lang naranasan ang ganito. ako ang tao na kahit sobrang bastos ng bibig, bastos mag-joke or madami nasasabi sa sex sex na yan e nagpapaka-MARIO CLARO (oo letter O, may ti** pa din ako. haha!) pa din ako at suot lagi ang invisible na belo na binilin ni mommy na dalhin lagi, at hawak ang invisible na abaniko panakip ng bibig ko tuwing makakasambit ako ng mga salitang tite, puke o kung anu pang bastos na kuwento. chos!

pero ngayon ko lang na-experience na "magbayad" para lang sa onting panahon sa loob ng kuwartong madami  ng gumamit sa loob ng isang araw.

teka teka teka. hindi ito callboy. pero parang ganun na din.

ESTUDYANTE s'ya. bata, pero hindi minor de edad. nakilala ko sa isang inuman with a few friends. maputi. mas matangkad ako pero wala akong pakialam sa height. maganda ang mga linya sa mukha at maamo tingnan. maloko s'ya based sa kwento ng mga nakasama namin.


hindi s'ya callboy, pero parang ganun na din. naglabas ako ng pera. sa tuwing magkikita kami e ang nagagastos ko'y siguro pambili na ng 2-3 malaking pizza sa isang kilalang mamahaling pizza chain. at hindi dadaan ang linggo na hindi bababa ng 50 pesos ang mailalabas para lang padalhan s'ya ng load, na hindi naman kanya ang phone na gamit at ankiki-insert lang sa kapatid (daw).

oo, it's against my VALUES. i VOWED not to pay (or something to that effect) anyone for sex or AFFECTION. i was able to get it before, without paying anyone.

pero ngayon... siguro napagod lang ako. napagod sa paghihintay. sa mga panahon na nandyan sya't handa ibigay ang kind of affection na inasam ko ng matagal na e hindi ako handa. wala na akong NINGNING. hindi na ako tulad ng dati. ako'y lumaki na sa iba't ibang bahagi ng aking katawan, at ang mukha ko'y nagka-uka na.

mahina na ang aking depensa ng dahil sa pagkaka-single ng sobrang tagal na e parang nakalimutan ko na ang kung paano ba dapat ako kumilos at sige't kinuha ko nalang. ako'y matagal ng nasa DISYERTO, na nabuhay lang ng onti lang ang naiinom na tubig. heto't may dumating na at nag-alok ng balde baldeng nito sa pinagkasunduang halaga.

MAHINA na ako. umoo na ako. pumayag. wala na. kumupas na ang belo na binigay ng aking ina't nagkabutas-butas na, at ang mahiwagang abaniko na tumatakip sa aking bibig ay ilang beses nang natabig ng madaming mga taong nakasalamuha ko at nabitawan ko na ito't nawala na.

i was VULNERABLE during those times, to the point na onting affection na mabigay sa akin ay kukunin ko ito't nanamnamin. magtitiyaga. makukuntento.

pero AYOKO ng ganito.

nadala ako sa mga simpleng bagay na ngayon ko lang narinig, ngunit dahil sa ngayon lang uli may nagdantay ng kanyang kamay sa aking hita, pinipigilan ang aking pagkuyakoy, ningingitian ako, at dahil nadin kay Red (red horse) e gumuho na ng tuluyan ang naiwang mga dingding sa aking majestic fortress. tila bigla nalang sumulpot ang susi ng aking CHASTITY BELT out of nowhere.

"kung yayayain kita sa motel para magpahinga, sasama kaba?"

syempre sino ba naman ang magpapahinga lang sa motel? at sa pagkakasabi n'ya e parang hmmm libre n'ya ito. why not?

only to find out na hindi: ako na din nagbayad ng taxi, nagbayad ng kuwarto, nagbayad ng extension sa oras, at nagbayad ng inorder na alak.

sabagay estudyante nga s'ya. hayyy.

at hindi lang din yun. nabagsak ko pa ang cellphone na gamit n'ya nung panahong mga iyon kaya nadagdagan pa ang gastos ko. resulta? nag-withdraw pa uli ako para magbigay ng pera para naman di na magalit yung pinaghiraman n'ya kung bakit nagka-crack ang screen nito.

e 'di gapang mode na ako nun. not exactly gapang, kasi ang groceries e parents ko na ang may sagot. in short, during my weekday offs e nagkulong nalang ako sa bahay at naglaro ng ps2, at sa weekends na hindi ko naman off, pag may nagyaya e palusot ko nalang e may lakad, aasikasuhin, trabaho, etc. etc.

at di ko muna s'ya kinita.

at dumating na ang sweldo.. at tapos nun ay nagbayad na ako ng utang sa isa, at may umutang naman na iba. pero nagbabayad ito on time at ibang araw lang dadating ang sahod at kilala ko so bigay naman ako. at after ilang days pagkatapos ng cut-off e dumating uli ang pagkikita namin.

waldas nanaman. gumastos na ako ng katumbas ng 3 malaking pizza para sa kanya e eto nanaman at humihingi uli. at pagkatapos ng pagbigay ko nito e naku gagapang nanaman ako.

sa totoo lang e wala na ako pera. akala ko e gagapang na uli ako pero buti nalang biglang may nagbayad ng utang (na nakalimutan ko na, salamat nalang at sinabi n'ya na magbabayad s'ya bigla. good timing talaga.) at 2 pa na magbibigay din ng bayad sa utang nila this weekend.

kung wala ang kanilang bayad e malamang super gapang na ako hanggang next sweldo. siguro nga ang pagpapautang kahit papaano ay may benefit na din, if you lend it to the right people. parang nagpatago ka lang din ng pera :) haha....

basta ako, ayoko na. ayoko nang maabuso. it ends here...

and regarding sa pagiging sugardaddy/mommy/brad/sis/baby/whatever e it's gonna stop NOW. this happened just this ONCE, and this would be THE LAST.

ay teka... unless si Rafael Rossel, Jake, Gerald, Akihiro o si Aljur e sige go pa din ako! magnanakaw ako sa bank every week para lang mapantayan ang sweldo nila! haha CHOS

:)

Saturday, June 18, 2011

in sickness and in health... i'll be back!

potakte 'tong sakit na to!! napaka-pakshet n'ya! sa tagal kong hindi nagkasakit e ngayon pa uli?!?? (well yung sick leave kong excuse dati e gawa-gawa lang yun. hahaha) tanga ka!! kung kelan pa may lakad ako dabat kaninang lunch time, dinner, at party night time??!?

argh!!! putang ina mo mukha mo! leave me alone!!! taena tumae ka na shet na malagkit kang putang ina mong bakla ka! raaaawwwrgggh!!!!

chos!

anyway lagnat lang ito at ubo... pero bakit ako nagmumura ng bonggang bongga?

pucha naman kasi e, may pupuntahan akong 2 lakad na dati pa na plan... lunch time: lunch with my 3 closest friends sa dati kong work, namely "the bitches". tapos, late night (actually ngayong oras na ito, saktong ito a) e dapat nasa malate ako with a gay friend and 2 female friends. argh!!!

taeng malagkit talaga! raawwrrghh!

(hay okay. okay na ako. relax. relax lang...)

anyway... bakit ako tumigil muna dito sa blog ko?

kasi wala na akong pera. haha naubos na ang kayamanan sa baul ni lola. (di naman exactly naubos. limited lang ang pera...)

nag-resign  pala ako sa work nung february. bakit? kasi para mabantayan yung dad ko.. di n'yo ba napansin na yung mga huli kong posts e puro healthy-healthy-han na? steamed ganito, steamed ganun, pinakuluan etc... kasi naman e kailangang low sodium low fat diet ang dad ko... (okay hindi ko nga pala na-post lahat.)

nung una di s'ya makaihi ng maayos. tapos nung nakaihi na e biglang hindi naman makatae ng maayos. so nung pinacheck up na s'ya e nalamang may malaking bukol na pala sa tyan ang dad ko, tapos enlargment pa ng prostate.... pero ngayon okay na s'ya. nakakalakad na s'ya at nakakasama na namin mag-simba at mag-mall...

yung tumor sa t'yan n'ya? nawala na. sabi ng parents ko dahil daw sa faith healer na kakilala ng uncle ko. nung una di ako makapaniwala pero lumiit s'ya hanggang sa nawala. akala ko dati dahil lang sa gamot pero nitong huli lang e natanong ko about it tapos yun ang sabi ng dad ko. kahit yung doctor 'di makapaniwala. (hmmm baka pinagti-trip-an lang ako ng parents ko haha) pero yung enlargement ng prostate e andun pa. yun yung kelangan operahin.

"so bakit ka nag-resign kung may sakit pala dad mo't kailangan operahan?" kasi kelangan na mabantayan s'ya. yung time na yun sobrang hina ng dad ko. ang trabaho ng mom ko umaga't hapon. ako gabi't madaling araw. kung ako magbabantay tapos magwo-work pa e baka mamatay na ako sa stress.. tapos sa trabaho e stressed na talaga ako. and kung saming dalawa lang ng mom ko e ako ang pwedeng mag-resign agad agad. mom ko hindi pwede umalis agad-agad. so i decided na time na din para mag-resign ako. plus malaki ang backpay, so perfect din na pandagdag sa pagpapa-opera ng dad ko...

yung mom ko nga e gusto ng maoperahan ang dad ko pero hindi pa pwede. kailangan kasi muna ma-stabilize yung heart condition ng dad ko... sa ngayon e okay okay na s'ya...


di bale, july magkakawork na uli ako, so makakaluto na uli ako ng kung anu ano :) and hopefully by that time e pupwede na operahan dad ko... :)

ang gusto kong gawin sa susunod: pelmeni. parang ravioli, pero russian russian-an. i just saw it sa isang game (na cooking/resto kyeme) at hinanap ko sa internet. and i liked it, kaya yun isa sa mga next project ko...

and i like noodles din so maybe i'll try wasabi noodles din :)

i'll be back next month na muna.... see you then! :)

and happy fathers' day  everyone!! dad alam kong hindi ako malambing talaga, pero isang utos mo lang sa pagkuha ng tubig at pagkain, at halu-halo e alam mo namang ginagawa ko :) di lang ako showy... happy father's day! :)

Saturday, May 7, 2011

drunk blabbing #01

nung college pa ako... wala pang iniisip na problema.

parang ang sarap balikan ang mga panahon na bata ka pa....

kung saan lahat ng gusto mo ay nakukuha lang sa pag-iyak at pag-dadabog....

ngayon malaki na tayo e puno na ng kumplikasyon... ang lahat ay pinaghihirapan... usually ang lahat ay hindi umaayon sa iyo lagi... most of the time e yung mga ayaw mo pa mangyari e yun pa ang dumadating sa'yo

siguro ganun lang talaga ang buhay... puro randomness... minsan di mo pa nalalasap kung ano meron ka e yun pala bukas e wala na ito.

siguro, kung ang lahat e nakukuha lang sa ganun e siguro mayaman na ako't lahat ay nasa akin na...

bakit? kasi magaling ako umiyak at magdabog...

madaliang pagluto

kumpletong meal in 25 minutes? pwede!

i arrived home 6:30 pm bitbit ang mga pinamili sa palengke... at gutom na ang dad ko na nag-aantay... so pagsaing, pagluto ng ulam at gulay pupwede in 25 minutes? pwede!

kung di ka maarte at gusto mo ng steamed veggies, then isa sa madali't mabilis (na pwede ka pa gumawa ng ibang gawain) ay ang pag-steam. how easy? just put water dun sa boiling compartment, isalpak ang gulay sa steamer then turn it on..

plus steaming is healthy din like baking, but it's way easier. also, yung lasa nung gulay e nare-retain pa din. lasang lasa mo pa din ang totoong lasa ng gulay.

now para maka-steam ka at makaluto ng rice at the same time e kailangan 2 ang units mo. bukod sa steamer mo e meron ka pang rice cooker...

ang dalawang rice cooker. yung isa may steamer.

as for the fish, pupwedeng i-fry nalang (or grilled kung may friller kayo) pero since ang parents ko e naghe-healthy-healthy-han e ang ginagawa ko e ganito: super onting mantika lang sa non-stick frying pan. (medyo magkakauling lang ang pan so beware... may didikit pa din na unti sa pan pero at least onti lang ang oil tapos parang grilled ang effect nya...

bangus back fillet. actually dapat hiwa-hiwalay sila, pero mas madali kasi lutuin pag magkakadikit pa.

ang pinaka-gusto kong gawin sa fish e mag-rub ng pinaghalong garlic granules (mas buo sa powder) rosemary, basil at seasoned salt. (salt s'ya na pina-arte lang. may iba ibang peppers) ang mga ganitong mixtures e tinatawag na rub, kasi... literal ira-rub mo s'ya. haha :)

a closer look (di pa to luto gaano)

the veggies... 2 of my favorite vegetables.

tada!!

gusto mo ng oranges?

as for me, etong tira tira na muna kakainin ko haha :)


dapat april 6 pa ito na-post... tinamad lang guy... vay-kay mode na din. haha

btw happy mother's day! ^_^

Sunday, April 3, 2011

sandwich tayo!

i love wraps. that's a fact. but another thing that i like that is similar to wraps is... sandwiches! they are fairly easy to make, at masarap din!

minsan sandwiches ang niluluto kong lunch for the family... yep nabubusog din ako sa sandwiches. at kaya ko din hindi kumain ng kanin for lunch at magtinapay nalang...

bukod sa madali pa e masaya din s'yang gawin. kaya subukan n'yo na, tara! 


dapat ham and egg sandwich lang gagawin ko... pero since gusto ng mom ko kumain ng scrambled (at may tuna) e gumawa na din ako ng madaming scrambled eggs na may tuna... nainggit ako kaya nilagyan ko na din yung sandwich ko! hehe :)
 
 this is a ham and bacon sandwich with tomatoes, cucumbers, lettuce and (parmesan) cheese :)

why parmesan cheese? mas mababa calories :) (paano ba naman e may bacon na may ham pa e di good luck nalang sa bilbil diba? hehe)

mahilig ako sa madaming gulay pag sandwiches :)

yep masarap kaya ang gulay kapag may bacon : ) at cheese and tomatoes pag pinagsama e masarap. think: pizza. parang ganun. dati i made this toast na sliced tomatoes and (mozzarella) cheese lang nakapatong, tapos ito-toast mo... and masarap naman s'ya...

di naman halata na mahilig ako sa ham 'no? hehehe

i also made chicken sandwiches dati... but i can't find the pics... hehe sorry naman...

there's also the panini. it's just like sandwiches. it has bread (usually ciabatta bread) grilled ng manipis habang may nakapalaman na, at usually ham and cheese and nakalagay... pwede naman ibang laman. 


 ganito ang panini... photo from here



o diba sarap? photo from here 

nanunuod ako nung isang food channel nang bigla silang gumawa ng panini... lintik na channel na yan e syempre nainggit at nagutom naman ako so pinilit kong gumawa kahit limited and resources sa bahay.


at wheat bread lang meron kami sa bahay kaya yun nalang ginamit ko. haha

buti nalang may ham pa kami... at ang cheese e yung ordinaryo lang... pero still masarap pa din. maalat lang ang keso, kasi naman maalat yung brand na yun.  so inuntian ko nalang ang keso.

since wala naman ako yung pang grill ng bread na parang notebook e ni-press ko nalang s'ya sa pan gamit ng spatula. haha :)
 eto ang electric na panini grill... (parang sandwich maker lang, pero griddle lang ang pattern, hindi yung may kung anu anong shapes pa)
 
bakit mo 'ko inipit? mumultuhin kita.....

eto ang itsura ng "tasty" na bread pag pinanipis mo lang ng manu-mano gamit ang spatula n'yo! haha mukhang kawawa lang... di ko na ni-trim ang edges kasi naman sayang din.


 inaamoy... (parang pinapasok ko lang sa ilong no? haha)

ika nga ng isang panty-liner na commercial.. "ang baon ko? manipis!" haha ^_^

haaay nagugutom na ako...

Wednesday, March 23, 2011

balutin mo ako.... balutin mo ako....

i just love wraps/fajitas/whatever you wanna call it ^_^


super gusto ko talaga ng fajitas. bukod sa masarap yung tinapay na bilog e enjoy din yung pagbabalot nung mga ingredients. i remember dining out with my best friends at this resto na lagi namin ino-order e yung meal na may soft tortilla wraps, the yellowish rice (that i forgot what it's called), salsa and roasted chicken... tapos hihimayin nyo yung chicken, at ilalagay sa bread together with the others tapos ibabalot, and then lamon... mmmm! shet parang gusto ko uli kumain dun.... at dahil namimiss ko ito, at lalong tumindi ang pagkamiss ko kumain ng wraps nung lumabas yung fish wraps na commercial na yun e i decided to make chicken wraps...

usually yung chicken fingers na ginagawa ko is just the ordinary flour-egg-japanese bread crumbs breading, pero this time para maiba e i decided to make it similar to the chicken recipe i've seen on a cooking show. so.... nilagyan ko ng parmesan at oregano yung breading : )

here's to show what i've done:

cut the chicken breasts into strips...

now you're gonna need your flour, beaten eggs and bread crumbs...

for the crumbs, i used the white flaky ones, (yung sinasabi nilang japanese bread crumbs) para masarap ang pagka-crispy.. i added grated parmesan cheese, dried oregano and some garlic powder on the breading. mix it up.

dredge the chicken strips in flour...

then cover with the beaten eggs...

and then dredge in breadcrumbs.

(i use a spoon for easy covering. para ma-scoop mo din yung ibang breadcrumbs over what you're covering, at pwede mo pa ipang-pat.)
and then do some frying : )

para ma-absorb ang excess oil... kitchen towels : )

syempre, di ko matiis na hindi kumagat. hehe : )

the chicken strips with parmesan breading

wash and cut up (or tear) the lettuce

dice some tomatoes...

put some chicken strips, tomatoes, lettuce, dressing and cheese

for the dressing i just used ready made caesar salad. i looove caesar salad dressing : )

wrap it up...

...and take a bite ^_^


i really love soft flour tortilla wraps : )

i've done my own soft flour tortillas before, but that's for another post... : )

Friday, March 11, 2011

sana lang...

i've always been looking for (and looking at) this guy. nope, hindi ko s'ya kilala personally, and we haven't really talked. he's not my friend on facebook (though he is there) and i've seen his page before on facebook... pero hindi ko ni-add. yeah wala naman siguro s'yang maiisip na malisya... ang dami na n'yang friends e sa dami ng naga-add sa kanya e siguro accept nalang s'ya ng accept.

and here i am now searching again for him on facebook but the problem is i don't know his full name. heck i don't even know his real name. baka iniba n'ya name n'ya sa facebook kaya hindi nagsho-show up ang profile n'ya. or baka naka security settings. he is, or was, a blogger. wala na ang dati n'yang blog site, and i don't know if he still blogs, kung lumipat lang ba s'ya ng address or tumigil na. tamad nga ako magbasa ng mga blog but yung kanya e binibisita ko sa tuwing ginaganahan ako magbasa.

well he is... good looking. adorable. maganda ang katawan. i like the color of his skin. mukha pang malambot at masarap hawakan ang kanyang balat. soft skin on that muscle-filled, smoking hot body. yum.

yeah i had (or have) a crush on that guy. kahit medyo may grammar errors ang kanyang blog e i still read it. and i love looking at his pics. i just sooo much love the way he looks.

yeah, i am a physical person. i mean we all are right? well i'm not saying that we are capable of liking people just for how they look like. no. but what i'm saying is we are easily attracted to people who are good looking, or gorgeous enough for us. and also, we tend to do more for people who are good looking and are attracted to.

meaning pag pinanganak kang gwapo't may itsura e parang dumadali ang buhay mo.

isipin mo nalang: kung isa kang taong mahiyain pero may itsura. well mahihiya ka ngang lumapit sa mga taong medyo type mo. let's say sa isang bar. pero pag andun ka e malamang may lalapit at lalapit sa'yo. so finding a "date" or "dance buddy" would be easier for you.

kesa naman sa taong walang itsura or hindi gwapo or good looking. mahiyain na walang dating at 'di gwapo. pag tumayo ka dun at hiyain ka pa e mas malaki ang chances na walang lalapit sa'yo, compared kay good-looking guy na kahit pareho pa kayo ng "pagka-mahiyain" level.

sana lang talaga e kaming mga mahiyain ng sobra e sana kami nalang nabiyayaan ng kagwapuhan.

"ano ba, huwag ka dapat maging mahiyain. sa mga taong tulad natin e dapat medyo aggressive tayo. dapat tayo ang lumalapit." may nagsabi. E MAHIYAIN NGA AKO E, ANO MAGAGAWA KO?

hindi sa wala akong ginagawa about it. i mean i've tried and i've been struggling not to be shy, pero it just gets me. i don't know. i'm someone who doesn't have that level of confidence to just walk up to someone and smile and talk to them...

"yun naman pala e, dapat matuto kang maging confident" E PAANO NGA??

"ano ba sa tingin mo ang nagpapababa ng confidence mo?"

"...how i look like."

"you know what? you should learn how to love yourself. look at the positive and improve the negative."

easy for you to say.

sa tingin n'yo e wala akong ginagawa? yeah siguro nga hindi enough pero still i am trying to do something about it, but (most of the time) i end up depressed about it. sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan: i try to exercise and lift some weights. meron kaming onting weights sa bahay, and may exercise vcd's. i do push-ups. pero ang problema ko e mabilis akong masaktan. kahit na ginagawa ko ito dati pa e nasasaktan pa din ako. siguro mahina ang pain threshold ko.

kahit sa pag-derma. kahit ilang beses na ako nagpapa-derma e nasasaktan pa din ako sa pricking. alam n'yo ba na kahit hindi ako humihikbi e gumigilid pa din ang luha sa 'king mga mata? tumutulo ng tuluy tuloy hanggang sa matapos ang proseso. dahil nga dito e lahat ng napupuntahan ko e nilalagyan nila ng tissue or pads yung mata ko e, para lang hindi tumulo.

i'm trying, pero NAHIHIRAPAN at NASASAKTAN ako!

"hindi lahat e based sa good looks alone. nandyan din ang ugali ng tao, blah blah blah..."

oo nga. hindi ko naman sinasabing sa itsura lang umiikot ang mundo! madami pang bagay. yeah i am confident sa ibang aspeto ng buhay ko, and i think i may be interesting to some people out there. i would like to share it with someone who seems interested in me, BUT PAANO KO NAMAN IPRE-PRESENT IYON SA IBA KUNG MAHIYAIN NGA AKO? ni lumapit nga sa ibang tao hindi ko magawa. mag-add nga sa facebook e di ko magawa. makipag-usap nga e hindi ko magawa.

"...build up on confidence."

PAANO NGA?

"love yourself more..."

PAANO NGA?

i just hope there are classes like "How to be an Attractive Person Even Though You're Not THAT Attractive 101" or "How to Love Yourself More Than Anything Else In The World" or "How to Give a Flying Fuck on Every Damn Thing"

"may mga problem din sila, we all do.."

yeah lahat may problema, lahat ng nasa mundong ibabaw. SO?

"so no one's perfect..."

SO? it's not helping at all. paikot-ikot na.

"tingnan mo ako, ako nga e kahit mas mataba ako e nagagawa ko pa din lumandi..."

well good for you! i'm happy for you!

i don't know why pero i think i'll only be confident enough to walk up to someone e when i think i'm good-looking enough to do it.

siguro ipagpapatuloy ko nalang ang mga ginagawa ko ngayon.

"siguro hindi ko pa time." sabi ko sa sarili ko. "sa ngayon e focus na muna ako sa sarili ko. sa career. i'll just keep on trying to improve myself for now. gawin ko na muna ang mga bagay na gusto kong gawin but at the same time improve myself. i-keme ang aking imperfections.

kahit mahirap. kahit masakit.

shet. maswerte nga talaga ang mga taong pinanganak na gwapo...

Saturday, March 5, 2011

iba sa nabaon sa limot

i love shrimps in my pasta :)

well it's been more than 2 months already after i posted my previous entry at marami na syempreng naipon na mga pictures sa baul ni lola. but i'm not gonna post all of them in just 1 entry. ihihiwalay-hiwalay ko pa din.

it's a fact that i looove pasta. super! as in if i were to choose a type of dish that i could only eat for my entire stay here sa mundong ibabaw e i'm gonna choose pasta. pizza's the 2nd and chicken the 3rd. and if i were to choose just 1 sauce for my pasta then it would be puttanesca. or pomodoro... as long as it's tomato based. anyway, here are some of them (para lang mai-post na. hehe)

my very own shrimp and mushrooms pomodoro pasta

a closer look...

these were the shrimps used in the sauce

btw pomodoro is easy to make. all you need is some olive oil, minced garlic and tomatoes. serious! you just fry the garlic and tomatoes in the olive oil (and add some salt to taste. for me i use seasoned salt) and then mix your choice of pasta noodles into the sauce and that's it : ) if you wanna add shrimps you can. ang sarap nya, and it's easy : )


well this was the left over pasta (spaghetti ang spirelli) and since i like them both e pinagsama ko nalang :) (this is puttanesca by the way)

with my hair down (gusto ko lang i-post bakit ba?) ^_^

shrimps + tomatoes + garlic = yum ^_^

Monday, February 28, 2011

bubuhayin ang matagal ng patay...

i'm gonna do it again ^_^ (and yeah that's an old friendster shirt haha)


pasenya na... dumating lang sa time na tinamad ako mag-blog. well it's not because not a lot are reading, no. tinamad lang talaga, and bukod pa dun e dahil sa wala ng wifi sa bahay, at kelangan pang umakyat at dun mag-internet (na kung saan active ang parents ko) e nakakatamd na. ako kasi e naging kumportable ng mag-blog at kung anu ano sa kwarto ko, na ngayon ay di ko na nga magawa dahil sa walang wifi.

so here i am sa taas. nasa baba ang kwarto ko (na wala pa ding kuryente dahil... ay ewan, i'm gonna tell why the next time) and ngayon nasa 2nd floor na may kuryente (thank God hiniwalay ng parents ko ang linya ng kuryente sa baba at taas ng bahay!!)

so 2 sundays ago, i had a talk with nyl, and we talked about sa pagkatamad ko mag-blog. and i'm really happy to have that talk with him. (okay hindi ako marunong magkuwento so i'll skip the details) napag-usapan namin na tinamad ako, and naging hassle pa ang pagkawala ng kuryente. and it's gonna be out of my comfort zone din kung aakyat pa ako para mag-iinternet, dahil nga andun ang dad ko (na umaaligid aligid at umaagaw ng tingin sa screen ko which is somewhat irritating, at kanina lang he DID)

"gusto mo ang pagluluto 'di ba? and sa pagluto, hassle din ang paghuhugas pagkatapos, but you still do it. tama? so ganun din..." (well that's not his exact words but that's how it's like)

so now, kahit andito parents ko't minsan ay tumitingin ang dad ko, e go pa din, go! hehe ^_^

so october was my last post. and i haven't posted what i've cooked for the new year's eve celebration so here they are...


that's crispy fish fillets, steamed broccoli and baby potatoes with black olives ^_^


without the ham




having ham with it is so much better ^_^




with the baby potatoes (and my mom at the back ^_^)


baby potatoes with cheese, ham, black olives and capers. i love capers and black olives!

haha! :)

pa-santo effect

spaghetti from my aunt


i loved the crispy fish fillets i made... i used cream dory for the fish, and it tasted great! yung bread crumbs e yung sm bonus lang but surprisingly it's great. sarap ng pagka-crispy : )

crispy fish fillet + a yummy salad + potatoes = yum! ^_^